Pagsamo - Song by Arthur Nery

 Pagsamo - Song by Arthur Nery

----------------------------

Kung bibitaw nang mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating

Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing

Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap

Ba't pa ipapaalala 'di rin naman panghahawakan ba't pa ipipilit kung 'di naman tayo ang (kung di naman)


Para sa isa't-isa oh 'di ba sinta tayong dalawa lang noon

Para sa isa't-isa oh ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon


Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin

Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang

Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo

Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo bakit 'di mo dama 'to

Ba't pa ipapaalala 'di rin naman panghahawakan ba't pa ipipilit kung 'di naman tayo ang (kung di naman)


Para sa isa't-isa oh 'di ba sinta tayong dalawa lang noon

Para sa isa't-isa oh ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon

Para sa isa't-isa oh 'di ba sinta tayong dalawa lang noon

Para sa isa't-isa ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon


YouTube Video



Post a Comment

0 Comments